Photo courtesy of: ichoosehome.blogspot.com |
Medyo nakakaluwag sa buhay ang pamilya dahil may matatag na trabaho si Orlan sa isang Online Store, siya ay tinatawag na 'ninja' bilang taga-deliver ng mga produktong inorder ng mga kliyente sa internet. Si Eve naman ay Health Worker ng barangay Matahimik
Solong anak si Shane, ngunit hindi siya ini-spoil ng kanyang mga magulang. Puno ng magagandang aral ang bawat araw na lumulipas sa kanilang pamilya.
Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay. Nagkasakit si Shane ng leukemia , ngunit hindi bumitaw ang mga magulang niya sa Panginoon.
Bagkus, lalo pang tumibay ang kanilang paniniawala sa Kanya, pati na ang pamayanan na lubos ang pagkagiliw sa madasaling si Shane.
Sa ospital, idineklara ng doktor na namatay na si Shane, ngunit hindi naniniwala ang mga magulang niya.
Habang nasa langit si Shane, nakausap niya si Hesus , ang Anak ng Diyos, at ipinamulat sa kanya ang pagkakaroon ng busilak na puso na handang tumulong sa mga nangangailangan.
Isang himala ang ibinigay ng Anak ng Diyos kay Shane. Siya ay bumalik uli sa lupa sa piling ng kanyang mga magulang.
At dito magsisimula ang mga kapana-panabik na mga misyon na lulutasin ni Shane. Mula sa simpleng problema ng mga bata, hanggang sa mga matatanda sa kanilang lugar.
Sa mga dasal ni Shane at mga payo niya sa mga taong nakakasalamuha niya, nagagawa niyang mailapit ang mga ito sa Poong Maykapal.
No comments:
Post a Comment