Wednesday, May 30, 2018

Si SHANE, Ang Batang Madasalin


Photo courtesy of: ichoosehome.blogspot.com
Si SHANE  ay  isang pitong  taong gulang  na bata. Ang kanyang mga  magulang  ay sina ORLANDO  (Orlan)  at  EVELYN (Eve).

Medyo  nakakaluwag sa   buhay ang  pamilya  dahil may  matatag  na  trabaho  si  Orlan  sa isang  Online Store, siya  ay  tinatawag  na 'ninja' bilang  taga-deliver ng  mga produktong inorder ng  mga  kliyente sa internet.  Si  Eve  naman  ay Health  Worker  ng  barangay Matahimik

Solong  anak si Shane, ngunit  hindi  siya  ini-spoil ng kanyang mga magulang. Puno ng  magagandang  aral ang  bawat araw  na  lumulipas  sa kanilang pamilya.

Ngunit  isang  matinding pagsubok ang  dumating  sa kanilang  buhay. Nagkasakit  si  Shane ng leukemia , ngunit  hindi  bumitaw  ang  mga magulang niya  sa Panginoon.

Bagkus, lalo pang  tumibay  ang kanilang  paniniawala sa Kanya, pati  na ang  pamayanan na lubos  ang pagkagiliw  sa madasaling  si Shane.

Sa ospital, idineklara  ng  doktor na namatay  na si  Shane, ngunit  hindi  naniniwala ang  mga  magulang  niya.
Habang  nasa langit  si  Shane,  nakausap   niya  si  Hesus , ang  Anak ng Diyos, at  ipinamulat  sa kanya  ang  pagkakaroon ng  busilak  na  puso  na handang  tumulong  sa mga  nangangailangan.

Isang  himala  ang  ibinigay ng  Anak ng  Diyos kay  Shane. Siya  ay  bumalik  uli sa  lupa sa piling ng  kanyang mga  magulang.

At  dito  magsisimula  ang  mga  kapana-panabik na mga misyon  na  lulutasin  ni  Shane. Mula  sa simpleng  problema ng  mga  bata, hanggang sa mga matatanda  sa kanilang  lugar.

Sa mga  dasal  ni Shane at  mga payo  niya  sa mga  taong nakakasalamuha niya, nagagawa niyang  mailapit  ang mga  ito  sa Poong  Maykapal.

Si  SHANE, ang  batang  madasalin  ay mayroong  napakalaking papel  upang  mabago  ang iyong pananaw  sa  buhay